Matagal nang panahon na nakalubog ang Pilipinas sa utang, di mabayad-mabayang utang sa world bank. Marami sa ating mga kababayan, tapos man sa pag-aaral, di naman makahanap ng disenteng trabaho sa bansa. Kaya nagbabaka-sakali sila sa ibang bayan. Marami namang sinuwerte, naku... at marami din po ang sinawing palad. Nakakalungkot nga isipin na marami sa ating mga kakabayan kailangan pang manilbihan sa ibang bansa para mabuhay ang kanilang mga pamilya. Mapait nga lang kasi malayo at malungkot ang mamuhay ng mag-isa. Kung minsan pa nga, ang pamilyang pilit na tinataguyod ay nasisira pa. Kung sabagay, mas maswerte pa naman sila kaysa sa mga kapus-palad naming mga kababayang hindi na nga nakakapag-aral, gutom, walang laman ang sikmura, o kaya'y palaboy laboy lang sa lansangan dahil sa walang matinong tirahan.
Napansin mo ba ang mga ito sa iyong kapaligiran, o sadyang nagpakabulag-bulagan ka dahil hindi ka naman apektado. Oo nga naman, mariwasa ang buhay mo kaysa higit na mga Pilipino, may koneksyon ka pa nga ng internet. Magkano ba ang bayad mo niyan buwan-buwan? Yung akin, di bababa sa isang libo't dalawang daang piso... (masakit nga sa bulsa eh, di naman kasi kami mayaman, pero kailangan naman). Malamang nakapag-aral ka rin sapagkat nababasa mo itong mga walang kakwenta-kwentang sinasabi ko.
Maswerte ka! Oo, maswerte ka. Ngunit kontento ka ba? Hindi. Ako rin naman. Gusto ko ng mas magandang buhay, marangya kung maaari. Gusto kong makabili ng sariling kotse para mas masaya (mahal na pala ang gaas ngayon no, bisikleta na lang), may bahay at lupa at masayang pamilya, may magandang trabaho at kumikita ng malaki.
Tila nakakalimutan natin ang mga tao sa paligid natin. Basta ba masaya tayo eh, ano nga ba ang pakialam natin sa kanila, buhay nila yan. Malamang nagpabaya sila kaya sila nagkakaganyan. Marahil tama ka nga, pero isipin mo, kung ikaw kaya ang nasa kalagayan nila, ano kaya?
Problema na ng gobyerno yan, iniisip ko ang maaari mo sabihin. E pano ba naman kasi, mahirap na nga sa daga si Juan dela Cruz, kinakwartahan pa ng mga balasubas na pulitiko. Yung buwis na dapat para sa taong bayan, napupunta sa dati namang mayayaman na nilang mga bulsa. Pero ako ha, naniniwala ako sa karma. Ang sabi pa nga, aanihin mo ang iyong tinanim. Ang lahat ng mga kabulastugan mo balang araw ay babalik din sa iyo. Kaya, nakakainis mang isipin parang wala na nga tayong magagawa laban sa mga abusadong mga nakaupo diyan. Subalit naniniwala din naman ako na may mga taong tapat sa tungkulin, wag naman nating lahatin... Yung nga lang, ang hirap paghiwalayin ang itim sa puti, at yung mga abo.
Kahit nga sa mga baranggay may korapsyon ng nagaganap. Ultimo mga opisyalis ng Sangguniang Kabataan marunong nang mandugas. At hindi barya-barya ang sinasabi ko, libu-libong pera! Paano na kaya yung mas malawak ang kapangyarihan? E di mas malaki ang kupit nila doon. Hay naman. Kailan pa uunlad ang Pilipinas kung walang humpay ang nakawan sa kaban ng bayan!
Ngayon ang mga ordinaryong mamamayang tulad ko ay nahihirapan na sa taas ng mga pangunahing bilihin: bigas, gatas, mantika, asukal, flour at kung anu-ano pa. Ano na lang ba ang hindi tumataas, e di ba ang halaga ng piso na lang? Buti tayo may trabaho, kahit paano mairaraos natin kahit hirap na hirap tayo sa pagbabadyet. Paano na kaya yung mga kapwa natin Pilipinong wala man lang tirahan, walang damit, walang pagkain? Ano na ang mangyayari sa kanila?
Kamakailan lang, lumabas ang resulta ng surbey hinggil sa pinakamasayang bansa sa mundo. Marami sa mga bansa sa Asya lumagpak. Ang bansang Japan, mayaman na nga nasa ika-90 pwesto naman. Ang Pilipinas, di ko mawari kung saang pwesto. Ang mga nilathala lang kasi yung mga nanalo at bumagsak. Gusto mong malaman kung anu-anong bansa ang mga nanalo? Tingnan mo ito.
Sa tingin ko, masayahin naman tayong mga Pilipino bilang isang lahi. Mahilig tayong kumanta at marami tayong paraan upang maibsan ang ating mga problema. Palakaibigan naman tayo kaya marami tayong mapaghihingahan ng sama ng loob.
Ngunit balik tayo sa tanong ko : Paano ka nga ba makatutulong sa iyong bayan, Pilipino? Sapat na bang magpadala ka ng salapi buwan-buwan mula sa sahod mo sa pagtatrabaho mo sa ibang bayan? O ang pagtulong sa mga charity works ng mga foundations?
Ako ay simpleng tao. Hindi mayaman, hindi din naman mahirap. Pero ako man ay iisa lamang, sa tingin ko mayroon naman akong magagawa kahit paano sa ating bansa at mga kababayan. Eto ang ilan sa aking mga mungkahi. Mas mabuti kung makadaragdag ka ng iyong opinyon. Ikaw, ako, kung marami tayo, magkakaroon ng pagbabago!
- Iwasan ang pagkutya ang mga kababayang hindi gaanong nakakariwasa sa buhay o mga tingin nating "beneath our level". Ang galing nating mamuna sa kapwa. Di porke maayos ang kalagayan mo mayabang ka na. Kung maganda o gwapo, mayaman o matalino ka man, igalang ang pagkatao ng iba. Kung iisipan naman kahit anong oras pwedeng mawala sa iyo ang lahat ng pag-aari, kagandahan o dunong mo. Isang aksidente, sakit, sunog, o kalamidad maaaring isang araw maging kasing baba mo rin sila. Magpakumbaba ka. Sa halip magpasalamat sa Diyos na ikaw ay makakapamuhay ng maayos.
- Kung maaari naman, maghatid ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan. Hindi importante kung magkano o paano. Halimbawa, ang mga kababayan natin na nasalanta sa nakaraang bagyo, kung mayroon namang extrang halaga, kung maaari magbigay. Mas mabuti na ang ikaw ang tumutulong kaysa sa dumating ang araw, na ikaw naman ang inaabutan ng tulong.
- Pero hindi ako pabor sa pagbibigay ng pera sa mga namamalimos, lalo na yung mga pwede namang magtrabaho. Kung minsan nga lang, masakit talagang pagmasdan. Ang ginagawa ko, bumibili ako ng pagkain sa halip na pera. Minsan kasi, may mga rumaraket na sindikato diyan sa mga limos-limos na yan.
- Eto ha, nakakainis. Super inis na inis talaga ako. Pinoy, pangalagaan mo naman ang kapaligiran mo! Huwag yung kung saan-saan ka lang nagtatapon ng basura mo. Sige ka, babalik din yan sa iyo, pati kami damay pa, hay naku.
- Aba naman, hinay-hinay naman sa pag-aanak. Kung di naman kayang tustusan, wag namang gawa ng gawa ng bata. Kung hindi pa handa sa pananagutan, huwag munang makipagtalik sa kasintahan (lalo na kung nag-aaral pa). Lumulubo na ang populasyon ng bansa eh, maliit naman ang ating lupa. Upang hindi mahirapan, bilang ng pamilya ay pahalagahan.
- Bago gumawa ng anumang hakbang, isipin ang ibang tao. May nasasaktan ka ba, may naaapakan para lang umangat? Tigilan na yang crab mentality na yan. Maging matapat sa lahat ng mga transaksyon.
- Tigilan ang pagkutya sa gobyerno. Wala naman yang maidudulot na mabuti. Oo ako, guilty ako. Nung mga unang taon ko sa unibersidad, minsan nakakasali ako sa mga rally. Pero napagtantya ko, sayang ang oras. Kung inaral ko nalang yun, mapapakinabangan pa ng bayan ang handog kong serbisyo pagdating ng panahon. Hindi naman sa sinasabi kong walang halaga ang ipanaglalaban ang ating mga kapatid na militante. Kung iisipan nga, isa sila sa nagpapamulat ng ating mga mata sa mga maling ginagawa ng ating mga pulitiko o iba pa. Pero ako naman, kung may mabigat na dahilan, handa rin naman akong mag-alsa sa kalsada. Ngunit hanggang may iba pa akong magagawa, may ibang paraan, dun ako
To English readers: Sorry but I cannot translate this in English. This post is for my fellow Filipinos. It is a political satire, criticism providing suggestions on how one can help our country despite the crises and tragedies that has befallen us, as well as to help improve the economic, political and cultural situation of the Philippines.
9 comment(s):
Tama ka kapatid. Ako man ay nandito sa ibang bansa pero di nakakalimot, kahit kaunting padala lang kada buwan sa aking pamilya alam kong nagagamit ang perang iyon at bumabalik sa ekonomiya ng Pilipinas. Kung ako sana ay may mas maluwag na buhay, di na sana ako nagpapakahirap dito sa ibang bansa. Iba pa rin ang buhay diyan sa atin, masaya, at alam mong first rate citizen ka pa rin diyan, di katulad dito, sa papel lang kami may karapatan, pero sa kulay at itsura second class lang kami. Pinoy pa rin ako, at taas noo kahit saan man sa mundo. Mabuhay ang Pilipinas, Ibandila ang ating Lahi.
korek ka po. guilty din ako sa ilan. pero pina-agree ako sayo dun sa wag nang magparami ng anak..
sumasakit ang ulo at dibdib ko pag nakakakita ako ng mga bata sa lansangan. lalo na sa mga overpass at tabing kalsada sa umaga, nakahiga lang sa sahig, namamaluktot. tanong ko sa isip ko. nasan ang mga magulang ng mga to. pag nanghihingi sila ng pera hindi ko binibigyan, kase binibili lang nila ng rugby. lagi akong may baong tinapay, para pag nakita ko sila yun binibigay ko. masakit lang minsan sasabihan pa ko ng pera ang kailangan ko. :(
sa aking palagay, ang magiging papel nga bawat isa sa atin para sa bayan ang maaring magsimula sa sarili, tayo mismo. ito nalang ang pwede nating gawin kaysa umasa pa tayo sa gobyerno at pulitiko na ang nasa isip lamang ay ang panatilihing nasa pwesto at maprotekatahan ang sariling kapakanan. ang "ikaw mismo" ay isang pagkilos para sa sarili, sa pamilya, para sa kababayan, sa lipunan na batay sa magagandang gawain. kung "ikaw mismo" ay maganda ang ginagawa, sa tingin ko maging mas maganda ang ating patutunguhan kesa wala nang gumagawa ng magagandang bagay at pakay. gudlak.
yey! salamat sa mga reaksyon niyo... tuwang-tuwa ako.
kasi kahit paano marami pa pala tayong nag-iisip ng ikabubuti ng bansa
malejandria, ikinagagalak kong makilala ka at malamang naging matagumpay ka sa ibang bansa. dahil sa mga tulad ninyo, may maipagmamalaki tayo
mommy lei, sakit talaga sa ulo noh? lalo nang balitang-balita ngayon ang mga sanggol sa pinapatay o tinatapon na lang. at nabanggit mo rin ang mga manglilimos... korek ka diyan, ikaw na nga tong nagmamagandang loob, aawayin ka pa
fernando, yun nga natumbok mo... galing mo! hehe.. ^wink
Nasapol mo ang isyu, ang katunayan may related blog ako sa isyung ito mga 1 month ago, at halos pareho rin ang ang ating pananaw. Ang paglobo ng populasyon ang isa sa mga itinuturo kong utak ng ating kahirapan, na ewan ko ba kung bakit ito ay patuloy na tinutulan ng mga namiminuno sa simbahang Katoliko ang programa ng pagpa-plano ng pamilya ng gobyerno. Siguro mas maganda kung ang mga Obispo at Pare na lang ang magpakain ng mga naghihirap na Pilipino. Hindi ko rin gusto na lagi na lang natin sinisisi ang ang naka-upo na Pangulo ng Bansa. Kahit siguro si Jesus Christ ay bumaba dito sa lupa at maging Presidente ng Pilipinas ay pagbibintangan pa rin nating "corrupt". Hay naku Pinoy san na ba tayo pupunta?
nais ko sanang makatulong din sa aking maliit na paraan kapatid! maaari ko bang ito'y ipaskil ko rin sa aking lathalang pangkalawakan (blog) hehehe ... wala akong maisip na tagalog para sa salitang blog e. kung iyong nais ay ipagbigay alam mo lamang sa akin ... maraming salamat at mabuhay ka .... mabuhay ang Pinoy!
wow, masakit mang isipin eh yan talaga ang realidad... kahit kaming mga pinoy sa ibang bansa eh damang dama pa rin ang kahirapan ng ating bayan dahil sa mga balita na nakikita natin at nababasa. padagdag ng padagdag, palaki ng palaki, ewan ko kung may lunas pa ito, pero SANA, SANA at SANA may milagrong mangyari. Sa tingin ko kung hahayaan lang ng mga pulitiko na ipamahala muna sa ibang bansa ang bansa natin gaya ng amerika, siguro magkakaroon ng reporma. Di ko naman sinasabi na pangmatagalan pero kailangan talaga, tingnan na lang natin ang ibang bansa na dati eh tinulungan ng amerika, ngayon ay matagumpay na sila at namumuhay ng masagana.. Patawad po pero di ko naman sinasabi na walang kakayahan ang mga pinoy, in fact sobra ngang tatalino ang kaso karamihan eh korApsyon ang GINAGAWA. Hay Diyos ko, kung sana nga ay matigil na ang pagnanakaw ng ilan sa pondo ng ating gobyerno, siguro mababawasan din ang kahirapan.. Galing mo sis, ipagpatuloy mo yan.. Dapat gumawa ka ng libro tungkol dito..
@ysrael:
thanks sa puntos na ibinahagi mo... nabasa ko din ang iyong blog at nag post din ako ng comment
uu nga, agree ako sa 'iyo... parang wala na tayong kahahantungan, pero may pag-asa pa naman...
@choco loco:
sige, pinapahintulutan kita... hehe
hirap maghanap ng Tagalog na mga salita minsan noh? sanay na sanay na kasi tayong mag_Ingles
@rose
minsan ang milagro kailangan ding pagsikapan... sana dumating ang araw makaahon at magkaroon din tayo ng mga matitinong taong magsisilbi sa publiko at gobyerno
pchi maraming salamat sa pagdalaw mo sa blog ko at sa'yong komento.maraming salamat!
Naniniwala at sumasangayon ako sa'yo pchi na ang bawat isa sa atin ay may magagawa para sa ating bansa...sa ikabubuti man o ikasasama nito.
Ang blog ay isa sa napakaraming paraan para maiangat ang ating bansa. kahit papaano nakapagbibigay tayo ng pag-asa o kung hinde man ay nakapag bibigay ng tamang pananaw patungkol sa bansa.
At naniniwala ako dito. Ang mga artikulo at mga nakalathala sa aking blog gaya ng, WHY ARE FILIPINOS SO POOR?, Bird’s Nest and Durian,Filipina Women, Ang Pinoy sa Likod ng Paraisong Kurtina ay ilan lamang sa mga nakalathala sa aking blog na tumatalakay sa ating bansa at mga kababayan.
huwag kang mag alala napakadami pang mga Pilipino ang nag mamahal sa bansa natin. at ang bawat isa ay kailangan lang gawin ano man ang kanyang paraan para makatulong sa pag angat ng bansa!
Post a Comment