Mag-aabrod ba ako, o hindi?

Friday, September 12, 2008

Dumating na ang passport ko at dahil sabay kaming nag-aplay nakuha na rin ng boypren ko ang kanya. Kinukulit na nga niya akong mag-abroad na kami. Nagresign na siya sa trabaho niya bilang inhinyero ng isang bayan malapit lang sa amin. Napapagod na daw siyang pinapanood ang talamak na panloloko ng mga opisyalis ng gobyerno sa mga tao at ang pagwaldas nila kahit ng kabit nga mayor sa pundo ng kanilang bayan.

"Walang mangyayari sa akin duon... kahit anong pagsisikap ko, walang mangyayari sa career ko", ani niya. Habang hirap na hirap daw siyang ipa-refund yung mga nagastos niyang personal na salapi para sa mga materyales, para lang matapos ang mga proyekto, ang kabit ng mayor naman, lingguhan ang pag-shopping at pagcheck-in sa hotel sa Davao. Pati nga raw gastusin nila sa bahay, maliban pa sa konsumo sa gasolina...pinaparefund nila sa gobyerno.

Ang tugon ko naman, "bakit di man lang ba yan kinukwestiyon ng Commission on Audit?" Lalo lang siyang naiinis... kasi ang mga ito na daw mismo ang nagtuturo sa kanila upang makalusot yung mga pundong ninanakaw nila. Ang hirap daw magpakatino kung lahat ng tao sa paligid mo ay hinihila ka sa putikan. Napapagod na siya kaya hindi na ako umimik at sinuportahan ko na lang ang desisyon niya.

Pero bakit kahit anong pakiusap niya na isipin ko ang posibilidad na magtrabaho kami sa ibang bayan... parang ayaw ko pa rin. Kahit na alam na alam ko namang malabong magbago ang kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas.

Kung tutuusin naman... hindi ko pinangarap na maging mayaman... komportable siguro. Hindi ko naman kailangan ng mamahaling gamit para sumaya. Minsan, gusto niya akong bilhan ng kwentas at kung anu-ano pa, pero magiging masaya man ako... wala namang pinag-iba kung wala ng mga iyon. Ako kasi, ang expression ko ng love ay quality time. Kaya gugulan mo lang ako ng panahon... maligayang-maligaya na ako. Aanhin ko ba ang maraming pera kung swertehin at yumaman nga kami kung hindi naman kami magkasama? Kaya lang, bilang lalaki siguro parang naisip niya na responsibilidad niya ang bigyan ang magiging pamilya niya sa hinaharap ng maayos na buhay. Hindi lang sa magiging pamilya niya kundi para makatulong na rin sa mga magulang niya... pati na yata buong angkan nila, panganay kasi.

Nainis ako nang sinabi ng isa kong estudyante Hapon habang nag-uusap kami para makapag-ensayo siyang gamitin ang Ingles... na ang Pilipinas daw ay walang pinag-iba sa Zimbabwe!

Aba, panghahamak na ito... sinabi ko sa sarili ko kaya pinagtanggol ko ang mga Pinoy. Pero may punto siya. Kung iisipan, marami nga tayong pagkakapareha. Para sa inyong kaalaman, ang Zimbabwe, tulad ng Pilipinas ay mahirap at may mataas na antas ng birth rate. Sa katunayan, sila ang isa sa pinakamahirap na bansa sa mundo at pinakamataas din na bilang ng mga batang ipinapanganak taon-taon. Ang nakakapanglumo lang ay ang kanilang life expectancy o taon na mabubuhay sila sa mundo ay 44 years lang. Higit pa dito, ang Zimbabwe ang may unstable na gobyerno, at marami rin silang rebelyon, at tulad ng maraming Pinoy... marami sa kanilang mga propesyunal ay nangibang-bayan at tuluyan nang iniwan ang kanilang bansa.

Pero hindi naman siguro tayo mahirap na mahirap tulad ng Zimbabwe na nagkaroon ng malawakang tagutom dahil sa pahina ng kanilang ekonomiya dulot ng pagbagsak ng kanilang produksiyon sa agrikultura. Hindi nga ba o di kaya tama siya? Baka nga halos wala nang pinag-iba.

Ang isa pa, at ang magkatulad sa Pilipinas at Zimbabwe, ayon sa kanya... ay ang power struggle ng mga pulitiko... Maraming paksyon ng gobyerno ang nais na paalisin na sa pwesto ang kasalukuyan nilang lider na maraming taon na rin ang pagkakaupo sa pwesto.

Pero, balik tayo sa pag-aabrod ng boypren ko... Ayon, hirap pa rin kaming pagkaisahin ang aming desisyon. Ang tagal-tagal na niyang nagpapaalam na mag-trabaho sa Dubai, Saudi, Australia... siguro simula nung nanliligaw pa lang siya. Pero hindi ako pumayag kaya kahit anong hikayat ng mga magulang niya sa kanya hindi siya umalis. Na-touch naman ako dahil importante talaga sa kanya ang mga suhisyon ko.

Ngayon, mukhang desidido na talaga siyang umalis at parang di ko na siya mapipigilan. Ang selfish ko naman kung di ko siya halayaang umunlad ang pagkatao at kabuhayan niya. Sa Singapore lang kamo siya para mas malapit, pero gusto niyang sumama ako. Yun din kasi ang nais ng mga magulang niya.

Minsan naiinis na nga ako kasi sila na ang nagpaplano para sa gusto kong mangyari sa buhay ko.
Eh kung di ko gustong mag-abroad, bakit ba?

Pero syiempre, pinag-iisipan ko din naman ang sinasabi niya. Mahirap kung magkalayo kami kaya ang nais niya sana ay sumama na ako, tutal madali naman daw akong makahanap ng trabaho. Ngunit may mga bulong sa aking isipan na pumipigil sa akin na di ko mawari kung ano ba. Kung ito ba ang takot na malayo sa pamilya na buong buhay kong kasama, ang takot na makipagsapalaran sa bayang hindi ko naman kinagisnan o kung martyr lang pa ako at gusto kong magsilbi sa bansa... O di kaya hindi pa ako handa sa isang pagsasamang panghabang buhay. Kung sabagay, sabi naman niya... di naman daw kailangang magpakasal kami kung ayaw ko pa. Pwede raw kaming umupa ng magkaibang kwarto, pero di ba ang lapit noon sa temptation?

Dahil hindi pa ako nakakapagdesisyon, baka mauna na siya nang walang kasiguraduhang susunod ako. Pinapanalangin ko pa ang mga bagay na ito. hinihintay ko ang pagabay sa akin ng Maykapal. Baka nga magbago ang isip ko o baka hihintayin ko na lang ang pagbalik niya.

Kung ikaw ako, ano ba ang gagawin mo?

35 comment(s):

Chubskulit Rose said...

if i were you, sasama na lang ako.. bakit hindi, for a change.. malay mo something good is waiting for both of you.. After all if you really love ach other, you should be together para di ka nagiisip kung anu ano habang andyan ka sa Pinas and nasa ibang bansa naman si Love mo.. But of course, weigh the pros and cons din.. Its all up to you sisterette! Follow what your heart is telling you!

ysrael said...

Tama ang pananaw mo sa gobyerno natin. Sa ngayon wala pa tayong magagawa kundi ang maghintay ng tunay na pagbabago. Regarding your decision if you're going to abroad or not, just take your time to think it over again.
By the way nakarating na rin ako sa Davao, may relative ako diyan sa may Matina.

Pastilan said...

sa tingin ko wala nang pagbabago na mangyayari sa Pilipinas at nakita na ito ng mga Pinoy (propesyunal man o hindi) kaya isa-isag nag-aalisan papuntang ibang mga bayan kung saan may mas kumikinang na pag-asa. Tingnan mo naman ang mga nakahelera para tumakbong susunod na presidente, walang pwedeng pagpilian, puro maiitim ang budhi at dugong manggagantso. Hindi na naman siguro ako boboto nito sa 2010.

Yung tungkol naman sa pagngingibang bansa mo, dapat walang pag-aalinlangan sa puso kung gagawin mo ang isang bagay. Marami sa mga kaibigan ko ang nangingibang bansa at minsan sumasagi sa isipan ko ang gayahin sila pero hindi ko talaga ginagawan ng paraan, kahit nga ang simpleng pagkuha ng pasaporte ay di ko ginagawa. Sa tingin ko wala talaga akong plano mangibang bansa maliban na lang kung sabay-sabay kaming lahat ng pamilya ko at kung siguradong maganda ang aabotan ko sa labas. Mahal ko ang Pilipinas at kahit di ko nakikita ang pag-asa dito medyo wala pa rin akong planong mangibang bansa.

Sa iyo naman Pchi di ko sasabihin sa iyo na wag kang sumama o sumama ka sa boypren mo, ang pinakamainam mong gawin ay tanongin mo ang puso mo, kung ano ang sagot nya yun ang susundin mo.

At kung mangibang bansa ka nga, dapat huwag doon sa bansang walang internet connection ha para ma update mo pa rin yung blog mo nye he he he :P

Anonymous said...

Go! Fly! Sail on unchartered waters!

Pero bago ka umalis, sumali ka muna sa 2nd Mindanao Bloggers Summit sa Gensan ha?

Hahanapin kita doon!

:)

pchi said...

@rose

salamat sa advice... ilang ulit ko na ngang pinag-isipan nahihirapan pa rin ako

tungkol naman sa long distance relationship... sa tingin ko mahihirapan talaga kami kasi best friend namin ang isa't isa

pero buo naman yung tiwala... di naman siguro ako mag-iisip ng kung anu-ano...

kung ano man ang magiging choice ko ate... malalaman natin sa takdang panahon

thanks for giving your piece of thought

pchi said...

@ysrael

paano naman tayo magkakaroon ng tunay na pagbabago kung wala tayong ginagawa?

sadya bang nakakatulong tayo kung lisanin natin ang bansa?

salamat sa payo mo... tama ka, isa itong mabigat na desisyon kaya kailangan kong timbangin ng maraming beses and aking mga choices

balik ka sa Davao! -hehe... daming prutas dito at mura pa

pchi said...

@pastilan

may lugar pa sa mundo na walang internet connection? hehehe

sadyang nakatulong ng malaki ang inyong mga naging reaksyon

bagama't mahirap, sa tingin ko ay ninanais ko ring magtiis dito sa PIlipinas

pero hanggang kailan? hanggang malagutan na lang ako ng hininga

btw, pwede kayong mangibang bayan ng buong pamilya...

subukan mong mag aplay bilang iskolar sa mga banyagang unibersidad... tutal nasa linya mo na rin ang pagtuturo

alam mo ba, na hanggang third world country ang Pilipinas, maraming mga scholarships ang binibigay ng mga mayayamang bansa para sa mga propesyunal upang matulungan natin ang bayan pagkatapos?

pchi said...

@bariles

naku, mukhang magandang opurtunidad nga yan

sige... di ko ipapangako pero susubukan kong makarating sa bayan ng tuna at bariles

Anonymous said...

Sa ngayon maraming nangingibang bansa dahil nga mas mabuti ang mga opportunidad sa ibang bansa.

Pinangarap ko yan noon, dahil nadala rin ako sa sinasabi ng mas nakakarami na mas mabuti ang maghanapbuhay sa ibang bayan.

Kung mangingibang bansa ka ba, nakikita mo ba ito na dito ka uunlad? Tingnan mo rin kung kaya mong makita ang mga opportunidad na maari kang umasenso sa sarili mong bansa.

Kung mahilig sa negosyo makikita mo ito. Ngunit kung gusto mong na lang na manilbihan sa isang amo sa pinagtatrabahuan mo ay malamang di mo maiintindihan ang tinutukoy ko. :-)

Marilou / Lucky Cow Shop said...

saan mo ba gustong magwork? sa dubai?

kung pupunta ka sa ibang bansa, may trabaho na bang nakaabang or wala pa.

sasama ka sa bf mo, siguraduhin mo 100% na kaya mong iwan ang pinas. at siguraduhin mong kung mag away kayo dun sa bansang pupuntahan mo, eh kakayanin mong mag-isa.

hindi kita tinatakot ah, pero dapat handa ka.

ano palang work ang hanap mo, baka matulungan kita.

Pastilan said...

@Pchi oo, may lugar pa sa mundo na walang internet, sa Zimbabwe he he he

Yung pagiging eskolar sa banyagang unibersidad naisip ko na rin yun kasi uso yan ngayon, may mga kilala ako na pinalad na maging eskolar (ng Fulbright) di ko rin lng sinusubokan.

Anonymous said...

@All
Willing ba kayo magtrabaho sa mga banyaga?

Marami kasi ang pumipili na lang ng matatrabahuan kaysa gumawa ng trabaho para sa iba...

Negosyo ang punto ko.

pchi said...

@Gem

totoo ang sinasabi mong yan...
actually yan ang sinasabi ko sa boyfriend ko

na subukan muna niyang pag-ibayuhin ang kanyang galing dito

ang gusto lang niya ay makapag-ipon para may puhunan sa negosyo

sabi niya kasi... hindi sila (civil eng'rs) pinahahalagahan sa Pilipinas, ang mura lang daw ng services nila

gusto niya kasi gamitin niya talaga ang course niya

kaya... hayaan na natin siya sa gusto niya

thanks for that input... :-)

Anonymous said...

@Pchi
OO hindi ako clear sa unang comment ko. Magkaiba ang opinyon niyo. Pero balang araw makikita niya ito. Bagong graduate ata siya at masaya siya. Gusto niya gamitin ang kurso niya. Baka doon naman talaga siya.

Sa edad ko na ito, marami na ang mas may gusto magnegosyo. Maliit ang sahod sa opisina. Yung ibang engrs may balak mag-abroad para makaipon, tapos babalik din sa pinas at magnenegosyo.

pchi said...

@berry

ako, actually hindi ko talaga gustong mag work anywhere

thanks for that berry, that's a very good reminder

yeah, di talaga dapat umalis ng walang sure na work

i actually want to take up law pa... or psychology as masters degree

so I don't want to leave

baka sa dubai cguro pupunta ang bf ko...

oo nga noh, baka mag-away kami ng uber... hirap nun,

ah actually, hindi lang kami...

kasama yung pinsan niyang girl... para roommates kami ng cousin niya na nurse

pchi said...

@pastilan

(halatang nahihirapan ng magtagalog)

pero may return service yata ang fulbright

ang sister ko at hubby niya ay nasa germany with their baby...

hubby finished masteral and my sister is taking PhD in germany

look for the DAAD scholarship... it's the Germany's government scholarship

i can't take scholarships abroad 'cause my grades in college are not good... hehe :-)

pchi said...

@Gem...

tama ka mainam talaga ang magnegosyo
kasi maaari mong balansehin ang iyong panahon para sa pamilya at trabaho

ang boypren ko ay tatlumpong taong gulang na...

ayoko din magtrabaho sa banyaga... hangga't maaari

Anonymous said...

Pwede ka rin nmang magtrabaho dun sa ibang bansa, at kung hindi mo gustong magtagal dun, ang mga inipun mo dun ay gawin mong nigosyo, dahil kong dito ka lang sa pinas , mahirap ang buhay dito, mababa ang sahod unlike sa ibang bansa..

Anonymous said...

Nasa sayo rin yan. Mas madiskarte ang negosyo nga lang. Mas "malapit sa panganib at kawalan".

Ang malupit kahit dito sa sariling bayan nagsisilbi tayo sa banyaga. Hay!

pchi said...

@aiza

salamat para sa mungkuhi mo aiza

tama ka nga mura ang sahod at walang seguridad ang mga trabaho sa Pilipinas

marahil yan ang gagawin ko

salamat sa iyong piece of thought and for dropping by

pchi said...

@Gem

korek ka diyan!

mas malaki kasi ang value ng pera nila kaya kahit na sa totoo lang ay mura naman talaga ang sahod... mukhang malaki sa ating paningin

ang problema, anong negosyo ang bagay sa akin... hehe

salamat Gem.

pag-iisipan ko yan

Nanaybelen said...

gustohin naman natin magsilbi sa ating bayan ay wala tayong magagawa sa ngayon lalo na' kapiranggot lang ang suweldo. kulang pangpamilya at mainit pa ang ulo dahil sa kasakiman ng gobyerno. at don't waste time na magstay dito. Opinyon ko- mag-abroad na lang at mag-ipon habang binata pa at dalaga at pag-balik ay pwedeng magnegosyo dito sa Pilipinas na kasama ang iyong maging mga anak. Tingen ko, masmali ang desisyon kung may anak na kayo tapos mangibangbansa siya. Mahirap ang malayo sa asawa pichi. Mabuti kung sama -sama ang buong pamilya.

Anonymous said...

Agree ako sa paningin ng iba dito. Pwede kang magibang-bayan muna tapos magnegosyo.

pchi said...

@nanay belen

that's well said nanay belen

ito'y isang tunay na payong pang-ina (haha -> motherly advise)

LOL

sa tingin ko natumbok mo yun, at mukhang nakumbinse mo ako

pchi said...

@gem

hay... naliwanagan ako pero nalilito pa rin

toinks

Anonymous said...

natutuwa talaga ako sa blog mo tagal kona kasing hindi nakapagbasa ng tagalog kahit hindi ako taga Luzon pero National language parin yong tagalog.Uy para yatang nagugulohan kang mag desisyon hehhee...totoo ba? Saan kaba sa Davao yong lolo ko sa Calinan sila.Nasa US ako ngayon nakapag asawa ako ng puti.One of the struggle kon dika sanay na malayo sa family mo is emotion mo talagang iiyak ka nga husto at normal yon.Pero kong dimo talaga gustong lumabas desisyon muna yon.Binigyan tayo ng panginoon nga powerof Choice.Di ako nagsermon ha.Sige ingat ka dyan but before I close the most powerful power is PRAYER.

faye said...

hayyyyyyy pinas bow!
kawawa talaga tayo as in mga pinoy,
baka maiwan na tayo sa buong mundo sa sobrang KURAAAAAP NG MGA GOVT OFFICIAL: Sana magising ta tayong lahat. GO PEACH TRY TO GO OUT PINAS; TRY LNG MALAY MO MAGUSTUHAN MO:

Anonymous said...

Good Job here. Ito mismo ang larawan ng Pinas at ng Pinoy. Ang iyong mga hinaing at mga hinagpis sa banyang sinilangan.

Sa totoo lang, kahit san ka pumunta pareho rin ang mararamdaman mo. Aalis ka ng Pinas kasi di mo gusto ang sitwasyon. Pagdating mo sa pupuntahan mo iisipin mo kung ano na ang sitwasyon sa Pinas. At ang bansang pupuntahan mo kahit anong gawin mong pagsisikap second class citizen ka pa rin kahit maging citizen ka nito.

Maaring marami kang narinig na magagandang istorya tungkol sa mga nangibang bansa. Pero marami sa istorya na un retokado na. Marami sa istorya don di totoo kasi kahit papano ang Pinoy pagtatakpan ang totoong sitwasyon nila dahil ayaw nilang masabihan na nagkamali sila ng desiyon ng pag-alis sa Pinas.

Ako di masaya dito sa Amerika. Ayokong pagtakpan ang sitwasyon ko pero disappointed ako. Hindi ito ang larawang nasa pangarap ko. Hindi ito ang buhay na inaasahan ko. Mas maganda ang iniwan ko kumpara sa ngayon. Pero wala na akong magagawa. At kahit makaipon ako di ko na rin gustong bumalik pa sa Pinas.

Sa paglisan mo kung sakali... ihanda mo ang kalooban mo. expect the unexpected para di ka madisappoint. Pero sa kabilang banda iba-iba naman tayo ng kapalaran. Baka nga iba ang sa iyo at malay mo gaya ng iba na nakakita ng magandang pagbabago sa kanilang buhay.

Di mo alam kung ano ang resulta ng isang bagay pag di mo itry. subukan mo kasi meron ka rin namang choice na bumalik. ang mas mahirap kasi pag pinalampas mo ang pagkakataon at di na ito bumalik habang buhay ka naman mag-iisip ng... ano kaya ako kung ginawa ko yon? parang cake lang yan. pag nasa harap mo kainin mo tikman mo para malaman mo ang lasa... pag nalasahan mo puede mong sabihing... ay ganon lang pala lasa non... so ok ka lang kahit di ka magsecond servings. pag nagustuhan mo naman eh di kainin mo habang meron pa.

Nakakalungkot ang sitwasyon sa Pinas... pero dito sa Amerika ganyan din. walang pinagkaiba ke Zimbabwe o America pareho din. sa langit lang siguro walang red tape, corruption, at anomalya... pero di mo gustong pumunta muna don.

pchi said...

@michel

salamat sa iyong mga pagpapauna mich...

mabuti naman at maswerte ka't mabait ang napangasawa mong kano

OO nga, naguguluhan talaga ako.. ayaw ko talagang umalis pero parang gusto kong subukan

naku, at napaka-close ko pa naman sa pamilya... sigurado akong iiyak talaga ako sa lungkot na malayo sa kanila kung magkaganun mam

pchi said...

@faye

oo nga ate faye, baka nga susubukan ko.. pero gusto ko pa rin bumalik sa Pilipinas...

gusto ko paring makita na umusmong naman ang Pilipinas

sana naman sa darating na mga taon, may mga pagbabago at di na natin kailangan pa ang manilbihan sa mga banyaga

pchi said...

@ruthi

nalungkot naman ako nang sinabi mong di ka masaya

sa totoo lang, medyo takot din ako na makipagsapalaran... ang hirap kasing bawiin ang isang desisyon. kung sakali mang makaalis ako at natuklasan kong hindi pala ako maswerte tulad ng iba, anong gagawin ko?

mananatili ba ako out of desperation, para panindigan ang aking kamalian at subukang bumangon uli?

o uuwi para bumalik ulit sa Pilipinas

Alam mo ruthi, naliwanagan mo ako nang sinabi mong wala naman halos pinag-iba saan man tayo sa Pilipinas...

siguro ang magagawa ko na lang, ang kung nasaan man ako ay titiyakin kong magiging kontento ako... ano man ang mangyari...

ang sabi nga ng isang cliche

"If I change, everything changes..."

Sa Pilipinas man ako o sa hindi, hindi na siguro mahalaga, ang mahalaga, walang pag-iimbot sa aking puso

Marites said...

Tma si Ruthi. Nakarating na rin ako sa America at walang pinag-iba, laging may mga struggles. Kaya, sabi ko kung ganito lang din, buti pang kasama ko ang mga mahal ko sa buhay sa Pinas. Kaya, dapat pag-isipan mong mabuti iyong tungkol sa bf kung magiging masaya ka na kasama siya o hindi, hindi bale na kung saan kayo mapadpad :) ang importante, masaya ka. good luck, girl.

pchi said...

@me and the islands of the world

salamat sis! hay, kahit saan naman masaya ako, basta kasama ko lang ang pamilya ko

tama ka, minsan mas mainam na masaya ka kaysa sa kumikita ng malaki nang malungkot

sana maging masaya ka rin kahit saan ka man pumaroon!

Gie said...

I might be the last commentator here, anyway goodluck to both of u, everybody was right. For me, it takes time to success in the Philippines better find opportunity to other country. Also, A little thought, be aware of putting important personal information like your passport. Cybermedia has lot's of stolen identity.

pchi said...

@gie

thanks for the reminder... I think success is a relative term,

it doesn't really mean being rich for me, all I want is to enjoy what I do...

Blog Directories